Sunday, March 1, 2009

Forgive. But I won't forget.

Well, kakauwi ko lang from "there". *sigh*.. I am really tired, of everything. I can really feel death's presence right now. Right here beside me. Chasing me everyday. Sadly, he still don't heed my deathwishes.

Anyway, I'm completely lost right now. Everything seems to be blurry and confusing. Wala lang. Sobrang nakakapagod na. Sobrang sakit na nang katawan ko, nang utak ko, nang mata ko, nang dibdib ko, nang lahat. Sobrang sawa na'ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Lagi na lang ako yung kawawa sa huli. Do I deserve this? Hay..

Hindi ako makapaniwala na umiyak ako sa van kanina pauwi. Buti na lang madilim. Wala sigurong nakakita kasi nagkukunwaring tulog ako. Wala lang. Kahit anong pigil ko sa sarili ko, talagang lumalabas eh. Mahal na mahal ko kasi siya. Hanggang sa huli, minahal ko siya. Hanggang sa huli nagbigay pa din ako ng pagkakataon para maipagpatuloy namin. Hanggang sa huli iniiyakan ko pa din siya. Hanggang sa huli, nagawa ko pa din siya patawarin. Kaso sa huli naawa na'ko sa sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakalimutan ko na alagaan sarili ko. Hindi na'ko nakakakain, nakakatulog, at nakakapag-aral ng maayos. Hindi na'ko nakakapagenjoy sa kahit na anong bagay dahil sa tuwing may gagawin ako ay naiisip ko siya at bigla nanaman akong nalulungkot. Sobrang dami na palang naaapektuhan. Masyado ko siyang minahal sapagkat umaasa ako na balang araw ay magagawa na din niya ako pahalagahan. Kaso hindi. Sobrang hindi ko na kinaya. I tortured myself so badly. Pero hindi ako nagsisisi at nakilala ko siya. Marami naman akong natutunan sa kanya. Sumaya din ako. Akala ko nga kami na.

Anyway, puputulin ko muna dito. Hindi ko kasi mapigilan na hindi maiyak habang sinusulat ito. Pero nakakagaan din pala talaga ng loob kapag nilalabas sa ganitong paraan. Madami akong narerealize.

I also remembered this line of Celine from Star Ocean: "Do what you need to do but I don't think it'll be of much worth in the end.". I forgot what exactly the last part is but it was something like that.

Goodnight.


You didn't give me the chancew of saving everything. What you did was an emotional blackmail - gusto mong habulin kita within 30 minutes. But you know na may trabaho ako at kapag iniwan ko iyon, I can be reprimanded or even be fired by the boss. I'm a new in the company that's why I should set a good impression. I invited you to watch me working. I begged for your hug. I asked you to please stay, na sana tayo pa.

Siguro nga masyado pa akong busy - academics, organization, work and you. I just don't understand why you keep on thinking things which are not true in the first place. You don't fully trust me that I am very loyal to you.

Well. This is life.
Akala ko rin naman tayo na. Pero you chose to break our relationship. You are tired, very tired and so I am pero at the back of my mind, kaya naman.

I wish you happiness.
I will continue on loving you from a distance.

You will always be my hubby and I will be your wifey, forever.

No comments: