Monday, February 23, 2009

Repost: Psych Major ba talaga ako?

Psych Major ba talaga ako?Jan 11, '08 11:05 PM
for everyone
Eto na naman ako, hindi pa rin makapaniwala na Sikolihiya ang kursong kinukuha ko sa Unibersidad ng Pilipinas.

Masaya naman sana. Kaso, hindi ko matanggap na sa natitira ko pang taon sa Unibersidad ay wala akong masyadong gagawin, gagawa lang naman ako ng sangkatutak na papel-na-thesis-na-ata-ng-ibang-course-dahil-sa-sobrang-hirap.

Sabi ko pa naman nung hayskul pa lang ako, "Basta, hindi ako kukuha ng course na mapapel masyado, ayoko yatang maging glue na dinidikitan ng papel".

Ngunit eto ako ngayon, nagsisimula ng ang kalbaryo ko sa tulong ng Psych 115.

But don't get me wrong, masaya sa Psych! Sobra! Kahit na maraming papel!
Kasi nandun ko natagpuan ang mga tunay kong kaibigan (Ayeekie),

tapos magagaling pa yung mga professor,

tapos feeling mo napaka-wellrounded person kasi may math ka, may chem ka, may physics ka, may bio ka, idagag mo pa ang social sciences na kailangan mong kunin, kumbaga, hindi lang siya science, may arts din (anlabo ko!),

tapos may Handog,
may PsycA,
may Sir Ton,
may Sir DelPi,
thrill na 150 kasi ________ vs _________ (hulaan niyo!),

yung likod ni Sir Luistro na nagpaalam na sakin matapos mapagpasyahan namin ni Tine na umupo sa sahig dahil 2 beses na kaming kamote sa kanyang mga surprise exam,

yung 30 minute break sa 115 dala ng kabaitan ni Ma'am Capulong at madalas kong makakuha ng 6.5/10 na score sa kanyang mga exercises at exercise 4 na hindi ko pa sinisimulan hanggang ngayon, kasalanan ng multiply! hahaha. :D

may updating, signing-up at adivising

may ate daisy at ma'am carol

si kuya roman

si kuya collins

si kuya magic

2nd floor ng phan na aming tambayan

malapit sa sunken na aming tambayan

malapit sa casaa

at madami pa!


hahaha, psych major nga talaga ako!


ay nakalimutan ko ang ebsco at spss! hehehehehe :D

No comments: