Monday, February 23, 2009

Repost: Lutang nung Mps 10

Lutang noong mps10Aug 13, '07 10:17 AM
for everyone
Kelan ko ba magagawa ang gusto kong gawin? Pero teka, ano ba talaga ang gusto kong gawin?
Gusto ko ba talagang mabuhay sa mundo? Paano ba mamatay nang walang nararamdamang sakit?
Lawyer, ambassador, piloto - akala ko, ito na ang "ultimate goal" na dapat kong maabot.
Hindi ba talaga? O yun ba talaga?

Ang gulo.

Saan, kailan, paano ko ba mahahanap ang aking sarili...ang sarili ko na makikita kong masaya - kuntento...walang alinlangan.

Frustrated ba ako o sadyang frustrating lang ang buhay ko? Sinasadya ko bang maging ganito o dahil sa mundong ginagalawan ko?

Lagi na lang ako...bakit ako? Siguro dapat mawala na ako sa lupang ibabaw, maging desparacidos - mawala ng parang bula.

Hanapin mo kaya ako?

(ginawa ng manunulat sa gitna ng kanyang klase na malikhaing pagsulat 10. Pasensiya kung medyo walang coherence ang sentence.)

No comments: